Wikang Filipino, gamitin mo tungo sa pagbabago.

Ang wika  ang isa sa mga mahahalagang bagay sa mundong ginagalawan natin. Ito ang tumutulong upang tayo'y magkaisa at magkaintindihan. Ginagamit din ito tungo sa kapayapaan.

"Ang Filipino ang wikang panlahat, ilaw at lakas sa tuwid na landas."

Tuwing buwan ng Agosto taon-taon, ipinagdidiriwang natin ang buwan ng wika upang bigyang pugay ang pagkakaroon ng wikang pambansa na pinaburan ni Manuel L. Quezon noon. Ito din ang buwan kung saan nagbabalik tanaw tayo sa kahalagahan ng kulturang Pilipino. 
Ang tema ngayong taon ay:
"Filipino: wika ng saliksik"

Ang interpretasyon ko sa temang ito ay dapat nating gamitin ang Wikang Filipino sa paghubog ng ating karunungan. Dahil mula pagkabata hangganh sa ating pagtandan, ito na ang ginagamit nating wika. Imbis na gumamit tayo ng mga wikang kano, mas mainam na gamitin na lamang ang sariling wika upang maibahagi din sa iba ang kagandahan ng wikang ito at yaman ng kulturang Pilipino.

Wikang Filipino, dapat palawakin at huwag kalimutan dahil makakatulong ito sa pagasenso ng ating bansa. Kaya gamitin na ang wikang Filipino upang tayo'y magkaisa at magbayanihan ang lahat.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

REFLECTION

Resiliency of Filipinos to Disasters as the Country's Fame.